Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Tiniyak ng actress/singer na si Garie Concepcion na mas kapana-panabik ang mapapanood ngayon sa Book-2 ng La Luna Sangre na tinatampukan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Malaki ang naging pagbabago ng seryeng ito ng Kapamilya Network sa Book-2 nito dahil may mga nawala sa main casts tulad nina Angel Locsin at Gelli de Belen, and mayroon din namang nadagdag na mga bagong mukha.

Ipinahayag din ni Garie ang sobrang kagalakan dahil bahagi pa rin siya ng Bagong Yugto ng LLS TV series.

Ani Garie, “Masayang-masaya po ako at nagpapasalamat sa Star Creatives for giving this opportunity na maging parte pa rin ng Book-2. Marami pa po tayong dapat abangan sa Book-2.

“Mas maraming exciting na magaganap po sa Book 2 ng LLS, kaya hindi dapat palagpasin ang mga episodes nito.”

Ano ang mga dapat abangang sa Book-2 nito?

“Kabilang sa dapat abangan sa Book-2 ay ang pagtatagpo ulit nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel). At siyempre kaabang-abang din po ang mga bago naming mga kasama rito.”

Ilan sa mga nakita na sa bagong casts ng LLS sina Pinky Amador, Denise Laurel, Ketsup Eusebio, Eric Tai (Eruption), at Erika Padilla.

Sa palagay mo, dapat bang malungkot ang KathNiel fans dahil magiging magkalaban na ang kanilang idolo?

Sagot ni Garie, “Hindi po dapat ikalungkot ng Kathniel fans ang nangyayari ngayon sa LLS. Abangan po natin ang mangyayari pa kina Malia at Tristan dahil marami pong na mangyayari talaga rito na dapat nilang tutukan. So, kapit lang po tayo sa panonood ng show.”

Si Garie ay mapapanood din very soon sa pelikulang The Lease kasama ang Filipino-Italian lead actor nito na si Ruben Maria Sorquez. Ito’y isang paranormal thriller directed by Italian director Paolo Bertola.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..