Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

MAHIGIT ng dalawang taon ang relasyon nina Nadine Lustre at James Reid at marami silang natutuhan tulad ng trust at communication.

Ani Nadine nang mag-guest kagabi sa Tonight With Boy Abunda,“You give a 110 percent trust to the person talaga. Kasi ang hirap kahit may kaunting doubt lang doon sa taong mahal mo. Parang there are times na…Because I had that (doubt), I went through that with James in the beginning of the relationship.

“Trust effects the communication before she can trust me with how she felt,” singit naman ni James.

Sambit pa ni Nadine, hindi nila pinakikialaman o tsine-tsek ang kani-kanilang cellphone. “We don’t check,”giit ni Nadine. “It’s respect and the trust and personal space.”

Ukol naman sa katanungan kung nagli-live in sila. Natawa ang dalawa at sinabing, “I guess that’s the kind of… Ang sagot namin dyan will be just for us na lang. If we are ok, if we’re not ok.

“Para sa amin na lang ‘yon,” giit ni Nadine. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..