Sunday 18th February 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

ISANG act ang makakakuha ng Golden Buzzer ng aktres na si Angel Locsin ngayong weekend sa world-class talent search na Pilipinas Got Talent.

Namangha si Angel sa naturang act at naantig sa inspirasyong hatid niyon, kaya naman hindi na nagdalawang isip ang PGTjudge na padiretsuhin sila sa semi-finals.

Ito na ang ikalawang Golden Buzzer ng kasalukuyang season, matapos ibigay ni judge Freddie “FMG” Garcia ang Golden Buzzer niya sa grupong Bardilleranz para sa kanilang nakabibilib na pull up bars act.

Ngayong linggo, magpapasiklab na naman ang mga Pinoy at ipamamalas ang kanilang mga talento tulad ng aerial dance, kabogerang lipsynch performance, pagma-magic, at paggamit ng e-cigarrette. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..