Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

carlo aquino instagram carlo aquino girlfriend carlo aquino and bela padilla

Madalas tanungin si Carlo Aquino kung magpapakasal na ba sila ng kanyang girlfriend na si Kristine Nieto?

“Wala, wala pa,eh,” pagtanggi niya.

Sila pa ba ng gf niya?

Ngumiti lang siya at mukhang may sinasabi ang mga titig ng mata niya.
“Ano lang, siguro may mga inaayos,” pakli niya.

Sinundot ito ng tanong kung hiwalay na ba sila o may pinagdadaanan?

“Ano lan, nag-uusap lang kami,” tugon niya habang tinatakpan ng mga kamay ang kanyang mga mata .

Nakiusap din siya na ‘wag pag-usapan muna ang lovelife pati ang business nila na kung saan ay magka-partner sila.

Ano ang ideal age niya para magpakasal?

“Siguro depende sa tao. Darating ‘yun kahit anong edad. May mga ikinakasal nga na 40 plus. Nasa sayo naman ‘yun kung ready ka na,” sambit niya.

Anyway, may meet and greet si Carlo kasama si Matt Evans sa grand opening ng BeauteLAB by Beautederm sa January 18, 4PM sa sa Farinas Trans Terminal, AH Lacson Avenue, Manila walking distance sa UST.

Isa si Carlo sa ambassador ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan kasama sina Sylvia Sanchez, Matt Evans, Alma Concepcion, Shyr Valdez,Rochelle Barrameda, Jaycee Parker, Maricel Morales, Yayo Aguila, Alex Castro, Jestoni Alarcon, Jimwell Stevens, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas atbp. (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..