Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Less than two weeks na lang ay magtatapos na ang Kapamilya teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa Live Kapamilya Chat na nangyari kahapon ay guest ang dalawang bagets na bahagi ng ILAI casts na sina Andrea Brillantes at Grae Fernandez.

Dito’y inusisa sila kung ano ang masasabi na naging parte sila nang naturang teleserye na tinutukan ng televiewers?

Tugon ni Grae, “Siyempre para sa akin ay sobrang saya po, nabigyan namin ng justice yung mga characters namin.

“Sobrang… sobrang ano na eh, sobrang, sa set ay playful lang talaga kami at lahat ay magkakaibigan. Sobrang ka-close naming lahat at siyempre ay masaya.”

Esplika naman ni Andrea, “Sobrang saya ko po na nakasama ako sa show na ito, lalo na yung casts, staff, lahat… Na super saya po naming lahat, as in, super light lang po sa set.

“Tapos ang saya po ng casts, tulad ng sinabi ni Grae, sina Ate Kim (Chiu), sina Kuya Jake (Cuenca), Ate Coleen (Garcia), Kuya Gerald (Anderson), light lang sa set, masaya,” nakangiting saad niya.

Ano ang reaction nila na sobrang daming fans ang kinikilig sa kanilang tandem at sobrang supportive sa kanila?

Sagot ng young actress, “Siyempre ay sobrang grateful po ako na maraming sumusuporta sa aming dalawa ni Grae. Sa akin, kay Grae, ang dami po. Sobrang saya ko kasi marami akong napapasaya, marami kaming napapasaya na fans.”

Pakli naman ni Grae, “Siyempre bilang artista sobrang gratifying talaga iyong ganoong pagkakataon talaga na naa-appreciate ka ng mga tao. Na parang nabibigyan ng timbang (halaga) ang ginagawa mo.”

Sa naturang episode naman ng Kapamilya Chat ay may ibinigay na mga challenge kina Grae at Andrea at ang pinaka-interesting na bahagi nito ay ang Hardest No Filter Question na silang dalawa mismo ang nagtanungan. Dito’y tinanong ni Andrea si Grae ng, “Totoo bang naging crush mo talaga si Ysabel Ortega or ginawa mo lang siya para pagselosin ako?’

Nakangiting sagot ni Grae pagkatapos nang mahabang buwelo, “Oo, totoo, naging crush ko.”

Tinanong pa si Grae kung saan nanggaling yung pagpapaselos part?

Sagot pa ng guwapitong aktor, “Iyan ang hindi ko na alam, hindi ko na alam yung selos part na iyan. Pero ako, wala pa akong ginagawa, may crush lang ako…”

Hanggang ngayon ba ay crush mo pa si Ysabel?

Tugon ni Grae, “Iyong crush kasi para sa akin, iyong nagagandahan, iyon lang naman para sa akin. Para sa akin, iyong crush, parang nagagandahan… Kahit kay Andrea ay nagagandahan ako, eh.” (NONIE V. NICASIO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..