Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Maraming pasabog ang BG Productions International para sa taong 2018! Patuloy sa paggawa ng mga malalaki at makabuluhang pelikula ang masipag na businesswoman at movie producer na si Ms. Baby Go at last January 8 ay inanunsiyo na ang opening salvo ng films na gagawin ng kanynang movie outfit.

Sa ginanap na media lunch sa Marco Polo hotel, ipinalabas ang teaser ng dalawang pelikula na kasalukuyang tinatapos ng kompanya. Ang una ay Almost A Love Story na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kasama sina Lotlot de Leon, Matet De Leon, at ana Capri sa direksyon ni Louie Ignacio. Katulong ang Salento Cinema sa Italya sa pagbuo ng pelikula. Magkakaroon ito ng mainstream release at ipapalabas rin sa Italya.

Ang ikalawang ipinalabas ay ang teaser ng Latay ni Ralston Jover na ang kuwento ay ukol sa battered husband at ang kanyang abusive wife na pinagbibidahan ni Allen Dizon. Si Lovi Poe o si Alessandra de Rossi ang napipisil na gumanap na asawa ni Dizon sa obra ni Jover. Tina-target ang pagsali sa mga Internationa festival sa nasabing proyekto.

Sabay-sabay din na inilunsad dito ang mga naka-line-up na gagawin ng tatlong batikang direktor na sina Joel Lamangan, Mel Chionglo, at Louie Ignacio. Sa project ni Direk Joel, target para magbida si Heart Evangelista para sa pelikulang Angela Lumunsad na ukol sa babaeng napagkamalang guro sa bayan. Maiipit din siya sa sagupaan at pag-ibig ng NPA laban sa sundalo na pareho niyang napaibig. Hinggil sa kahalagahan ng edukasyon ang kuwento kaya tinatarget ng pelikula ang pagpapalabas sa mga eskuwelahan.

Hinahanda na rin ang environmental project na Maruming Hangin na anti-pollution ang tema. Pinaplano ng BG Productions na gawing possible entry sa MMFF 2018 ang satirical comedy. For mainstream din ang project na ito ni Direk Mel na kasalukuyan ding nakikipagnegosasyon kay Lualhati Bautista para sa script na base sa libro niyang Sixty in the City. Eto na kaya ang behikulo para kay Charo Santos na pinapangarap makatrabaho ng BG Production CEO na si Baby Go?

Ang Cinemalaya Entry ni Direk Louie na School Bus ay nakatakdang umpisahan sa Marso. First time ng BG, kung sakali ang lumahok sa prestihiyosong independent film festival sa Pilipinas. Excited din ang Madam producer na gawin ang isa pang istroya ni Direk Louie tungkol sa unano wrestler at take note, ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor ang napipisil na gumanap na ina ng mga unano.

May mga naka-line-up din na pelikula sina Jason Paul Laxamana, Neal Tan, at Joey Romero. Masaya si Ms. Baby sa paggawa ng iba’t ibang film projects. Pangarap din niyang igawa ng movie and Star For All Season na si Vilma Santos at makapagpatayo ng sinehan kung saan ipapalabas ang kanyang mga naprodyus na movie.

May offer din si Madam Baby na magco-produce ng Hollywood film kaya nakatakda siyang lumipad sa Amerika para makipag meeting. “Passion ko na ang paggawa ng movie. Tumutulong din ako sa pagma-market. Awa ng Diyos nabibili naman ang broadcast right ng film namin kaya bumabalik ang pera kahit paano. Basta masaya ako sa pagprodyus ng mga pelikula,” saad pa ni ni Ms. Baby.

Present din sa naturang event sina Ms. Jean Go Marasigan, panganay na anak ni Ms. Baby at Vice President ng BG Production, Romeo Lindain na co-producer ng naturang movie outfit, at si Dennis Evangelista. (NONIE V. NICASIO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..