Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Patuloy sa paghataw ang showbiz career ni Nathalie Hart. After niyang magbida sa ilang pelikula noong 2017, ngayon ay patuloy sa pagratsada si Nathalie sa kaliwa’t kanang pelikula, mostly sa Star Cinema.

Nang makahuntahan namin ang aktres recently ay tinanong namin siya kung paano ia-assess ang nagdaang taon at ano ang dapat abangan sa kanya sa 2018.

Tugon niya, “Great! Actually, hindi pa nga natatapos iyong mga ginagawa ko noong 2017, eh. On-going pa yung mga ginagawa ko last year. So, very good, very happy sa nagtapos na year.

“I’m happy na I was able to do a lot of films. Siguro, I wanna do some teleserye na, from now on. Kasi, I’m still doing three films from Star Cinema na matatapos na.”

Binanggit din niya ang mga pelikulang ginagawa.

Kuwento pa ni Nathalie, “I have a movie with Empoy (Marquez) and Zanjoe Marudo, Kusina Kings ang title, comedy ito. The second one is with Coleen (Garcia) and Xian Lim. It’s a thriller movie. So, that’s coming out 14 of February, lalabas na siya. And then I’m doing something with Diether Ocampo, its called Sunday Night Fever.

“Iyong kina Coleen and Xian, it’s a thriller movie, ang role ko roon is a crazy woman, hahaha!” Nakatawang saad niya. Patuloy pa ng tisay na aktres, “Siyempre kapag thriller, kailangan ng natatakot at may nangtatakot.”

Baliw ka roon sa movie? “Secret! Hahaha!” Pahalakhak na pakli pa niya.

“Doon sa Kusina Kings, kapatid ako ni Empoy and then yung partner ko roon is Zanjoe,” wika pa niya na idinagdag pang ang isa pa niyang pelikulang ginagawa ay isang thriller movie with JC Santos mula TBA Productions.

So, masaya ka ba na iba-ibang genre ng pelikula ang ginagawa mo ngayon?

“Yes masaya, masaya ako kasi nabibigyan ako ng opportunity to be working with different people, different characters. Kasi you don’t wanna get stuck-up in one project eh, kasi it could get boring.

“So I’m happy, I’m really happy that I was able to do comedy, kasi hindi lang alam ng tao na I’m very quirky and fun on the other side, kasi ang laging ibinibigay nila sa akin ay yung project na seryoso and drama. Yeah, it’s like always drama and I’m really tired of it,” nakangiting saad pa niya. (NONIE V. NICASO)

Hello Kuya Benjie #kusinakings #siblings

A post shared by Nathalie Hart (@imnathaliehart) on

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..