Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Umamin na rin ang aktres na anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano na minsan rin itong nalulong sa ligal na droga.

Paliwanag ni Meryll nang mag-guest ngayong araw sa ‘Magandang Buhay’ sa ABS-CBN na dala ng kanyang pagrerebelde kaya nalinya ito sa paggamit ng iligal na droga.

“Nag-ano ako noon, nag-drugs. I think it was just part of ‘yung pagiging rebelde ko. And 10 years na akong sober, 10 years na akong clean. I struggled with show business because I really wanted to go to school. Doon na nag-start ‘yun,” paliwanag ni Merryl.

Kalaunan aniya ay nakita rin niya ang importansiya ng kanyang pamilya hanggang sa nakipag-usap na siya sa kanyang mga magulang.

Pero isa aniyang natutunan niya sa buhay ay ang pagtahak sa tamang direksyon dahil sa mabubuting taong nakapaligid na siya niyang naranasan.(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..