Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kumbaga sa basketball ay binarako ni Megan Young ang mga girls na nag-aambisyong masalo ang bridal bouquet sa wedding nina Maxene Magalona at Robby Mananquil sa Boracay.

Habang inaanunsyo ng host ng kasal na si Tim Yap ang gagawing pagpapaagaw ng bridal bouquet ay mapapanood sa video si Megan na pumuporma para makipag-unahan sa pagsalo sa bouquet.

Hindi nabigo si Megan at siya ang pinalad na makasalo ng bouquet dahil hindi umubra ang lakas at tangkad ng mga babaeng guest.

Ang tanong, senyales ba ito ng pagiging sigurado ni Megan na lumagay na sa tahimik kaya idinaan na niya sa pagsalo ng bouquet ang plano?

Abangan ang mga susunod na anunsiyo ni Megan at boyfriend niyang si Mikael Daez sa kanilang buhay pag-ibig. (Jeane Nava)

Taking after MJ 💐 #iROByouveryMAXX #MagalonaMananquil

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..