Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Pumayat sina JC Santos at Ryza Cenon sa Palawan habang nagsu-shoot ng “Mr. & Mrs. Cruz”. Dahil sa init, laging nagsi-swimming sa dagat si JC.

Nasunog ang balat, napuyat at napagod daw sila habang ginagawa ang naturang pelikula.

Sa trailer ng “Mr. & Mrs. Cruz’ ay nakitaan na sila ng sexual chemistry.

“Tsinaga mo namin na maging ganoon,e!Pinilit po naming, nagkuwentuhan po kami,” pakli ni JC.

“Once na nasa set na hindi po kami si Ryza o si JC.Naka-character na po kami nun,” saad naman naman ni Ryza .

“Ayoko namang maging sanhi ng paghihiwalay! Ha! Ha! Ha! Pero nakitaan ako na bagay sila, so lalo akong na-excite. Kaya nu’ng rehearsals, ‘yun talaga ang ginawa namin. Siyempre nu’ng una, off pa sila dahil hindi sila magkakilala, eh.Nu’ng tumagal na, natuwa ako. I am really happy na nag-work talaga ang chemistry nila. Nagdududa na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!,” deklara ng kanilang director na si Sigrid Andrea Bernardo ng “Kita Kita.”

Anyway, inihahandog ng VIVA Films at ng The IdeaFirst Company ang kanilang unang pasabog para sa 2018 na showing na sa January 24.(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..