Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

IKINASAL na kanina ang aktres na si Maxene Magalona sa musikerong si Rob Mananquil sa Boracay. Ito ay dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Isinagawa ang kasalan sa Shangri-La’s Boracay Resort and Spa.

Nakaputing gown si Magalona hawak-hawak ang isang bouquet na may locket bilang tribute sa kanyang ama, ang dating rapper na si Francis Magalona.

Matron of honor ang kapatid ni Maxene, si Saab, subalit hindi ito nakadalo dahil sa pagbubuntis.

Ilan sa mga abay nina Maxene at Rob ay sina Julia Montes, na nakasama ng una sa Doble Kara, si Miss World 2013 Megan Young at ang kapatid nitong si Lauren.

Ang mga ibang personalidad na dumalo sa kasal ay ang mga kaibigan nilang sina Janella Salvador at Elmo Magalona, Tim Yap, at Mikael Daez. (Krissy Dimayuga)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..