Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

AMINADO si Jodi Sta Maria na hindi naging madali para sa kanya ang magbalik sa eskuwelahan o pag-aaral. Pero hindi naging hadlang ang pagtatrabaho para isabay ang pag-aaral.

Sa Instagram account ni Jodi, ibinahagi niya ang natanggap na tagumpay, ang pagiging Dean’s Lister sa kursong B.S. Psychology sa Southville International School and College. Top 1 student siya na ang Grade Point Average n’ya ay 3.670.

Masasabing partida pa ang nakamit na honor ni Jodi dahil kasalukuyan siyang sumasalang sa isang teleserye na malapit nang mapanood sa ABS-CBN. Nariyang lagi siyang puyat sa tapings pero naisasabay pa rin niya ang pag-aaral.

Premed course ni Jodi ang Psychology at kung mabibigyang pagkakataon ay gusto niyang mag-specialize sa oncology.

Ani Jodi sa IG, “I’m first to admit that it’s been a roller coaster ride juggling my career and school. I’m taping for my upcoming show; there has been a lot of late nights and weekends spent with books. But you know what, it’s possible.

“It’s never easy but that makes the journey of learning more beautiful and interesting.

“Tomorrow’s another day but allow me to bask in this achievement which I couldn’t have reached without God’s grace. Thank you.” (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..