Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagsalita na si Sef Cadayona sa isyung hiwalay na sila ni Maine Mendoza nang makatsikahan namin sa bagong fantaserye na “Sirkus” mula sa GMA Public Affairs.

“Hindi po kami nag-break. Hindi naman po naging kami. Wala naman pong nangyaring kahit na ano. Just to clear it out again and again and again,” deklara niya.

Pero friends daw sila ni Maine hanggang ngayon.

Ayaw rin niyang isipin na kaya tumigil ang mga bashers dahil nali-link umano si Maine ngayon kay Jake Ejercito.

Pinabulaanan din niya na nagpupunta siya sa bahay ni Maine ,Hindi rin daw nakatungtong ang actress-tv host sa bahay nila

Anyway, maganda ang pasok ng 2018 sa kanya dahil may bago siyang show sa Kapuso . Ito’y ang Sirkus na pinagbibidahan nina Mikoy Morales at Mikee Quintos. Join din sa cast sina Andre Paras, Klea Pineda, Chariz Solomon, Gardo Versoza, Zoren Legaspi, Angelu De Leon at si Ms. Cherie Gil.

Ang Sirkus ay mapapanood na simula sa January 21, Sunday, 6:10 PM , Ito ay ilalim ng direksyon ni Zig Dulay. (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..