Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

MAGKAROON ng maraming oras para sa anak. Ito ang gustong mangyari ngayon ni Paulo Avelino na inihayag niya sa Magandang Buhay nang mag-guest kahapon.

Ani Paulo, aminado siyang kulang ang oras na nailaan niya sa kanyang anak na si Ethan Akio o Aki dahil sa mga pinagdaanang problema at dami ng trabaho.

“For the longest time kasi hindi ko nakita ang anak ko dahil nagkaroon ng problema sa maraming bagay. Mid-last year naayos na at nakikita ko na ang anak ko. Ang problema naman minsan kapag malungkot ka gusto mo magtrabaho ng magtrabaho. So ang dami kong tinanggap na trabaho na aabot hanggang mid this year. Siguro kulang ko last year, this year siguro more time for my son. Lumalaki na rin,” sambit ng actor na isa sa bida ng Asintado na malapit nang mapanood sa ABS-CBN kasama sina Julia Montes, Aljur Abrenica, at Shaina Magdayao.

“Ngayon naman gusto ko lang balansehin,” ani Paulo na may plano ring sumabak sa pagiging direktor ngayong 2018. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..