Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Victorious ang pagtatapos ng taong 2017 kay Derek Ramsay! Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival dahil sa kabilib-bilib niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado ang “All Of You” mula sa Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions at Planet Media.

Bale ito ang second Best Actor ni Derek sa MMFF. Una siyang ginawaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na “English Only, Please.”

Tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.

Ang isa pang magandang nangyari sa showbiz career ni Derek last year, naayos na ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN.

Dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled “Kasal” kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino mula sa direksyon ni Ruel Bayani.

Magsasama silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

Bilang endorser naman, umeere na ang bagong TV commercial niya ng Dunkin’ Donuts.

Hindi lang competent actor si Derek kungdi boxoffice attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018! (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..