Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Gandara ang awra ni ex-PBB housemate na si Kisses Delavin habang ito ay nasa Czech Republic.

Nagtungo si Kisses sa Czech para sa isang photo shoot sa Mega Magazine.

Pero isa sa post ng dalaga sa kanyang IG kung saan ay mukha lang ang ipinakita ay umani agad ng mahigit sa isandaang libong likes at libu-libong comments.

Well, wala naman tayong negatibong komento sa nasabing post ni Kisses dahil fresh na fresh talaga ang kanyang awra at hindi mo makikitaan ng stress. Para bang relax na relax siya at nababagay sa lugar kung saan siya naroroon.

Kanya nga lamang ayon mismo sa post ni Kisses, bagama’t maganda sa Czech ay wala nang gaganda pa sa Pilipinas.

Iyan ang Filipino, proud sa sariling bayan, saan man mapuntang bansa, ipinagmamalaki ang pinagmulan.

Ito ang caption ni Kisses sa pinagkakaguluhang post nito sa Instagram.

kissesdelavinThis place is sooo beautiful but there is no place that can replace the one in my heart. I miss you Philippines! (And the people that I love there) 💖

#MakingMegaWithKissesDelavin#firstdayofshoot

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..