Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Cover ng Mega Magazine ang mga host ng sikat na noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime sina Anne Curtis at Vice Ganda para sa buwan ng Enero ngayong taon.

Makikita ang pabalat ng mega sa post sa Instagram ng sikat na photographer na si Mark Nicdao na may ganitong caption:markednicdaoshot Mega Magazine January 2018 cover with the amazing Vice and Anne on the cover! Happy New Year Everyone!🍻🍻

Umaani na rin ng libu-libong likes ang nasabing post ng sikat na photographer.

Pero agaw-pansin sa comment section ng nasabing post ang isang mensahe ng netizen na may user name na chansomes.
Mistulang binalaan nito si Anne na mag-effort pa sa pagpapaganda dahil tumatapat na sa gandahan ang kaibigan nitong si Vice.

Ito ang nakakawindang na komento ng netizen kay Anne:
chansomesHindi nagpahuli si @praybeytbenjamin dito haha! Kabahan ka na @annecurtissmith 😂
May isa namang netizen ang nagkomentong magkamukha na sina Vice at Anne.
Ganito naman ang mensahe ni vincetikoiaganpara na kayung mag kamukha.
Kapag nakarating kaya kay Anne ang ganitong mga komento ganahan pa kaya itong gumawa ng project kasama si Vice?(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..