Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nakatikim ng talak si Senador Bam Aquino sa aktres na si Tanya Garcia, manugang ng dating Senador na si Lito Lapid sa anak na si Mark Lapid.

Ang isyu ay nag-ugat sa lumabas na survey para sa 2019 Magic 12 surveys para sa senatoriables kung saan ay nanguna si Senator Grace Poe at isa rin sa nasa top 12 ay ang dating senador na si Lito Lapid.

Parehong nasa primetime series na Ang Probinsyano ng ABS-CBN ang mag-ama. At tila tiningnan ito ni Sen. Bam na dahilan kaya raw siguro nakapasok sa Top 12 survey ang dating senator.

Ito ang reaksyon ni Tanya sa kanyang Facebook account at diretsuhan nitong pinangalanan si Sen. Bam.
Ayon kay Tanya, “Hmmmm …why Bam Aquino???? So you think ikaw lang deserving maging senator??? At yung ibang humahabol, hindi? O e di ikaw na! Ikaw na! Bam Aquino for Senator this 2019! I sincerely hope you win ng madami ka pang magawa!

“At nakakatawa kayo, ke LP man or hindi, nung senador si Lito Lapid ang daming niyong sinasabi, ngayon na nag-aartista na nga lang ay may sinasabi pa rin kayo! Ano ba talaga gusto nyo gawin nung tao????
“P.S. if you claim you respect the results of the survey, dapat wala ng ‘kaya lang….’ if you really claim you respect it, you’d keep your mouth shut.

Oh and btw Lito Lapid hasn’t even said he’d run this 2019.” (Newsko Desk)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..