Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

HINDI napigilang magsisigaw ni Erich Gonzales at magtatakbo ni Vice Ganda nang ipakita ang sinasabing sorpresa ng kaibigang si Enchong Dee sa aktres.

Sa Magandang Gabi Vice, sinabi ng Unkabogable star na napag-usapan nila ni Enchong ang ukol sa regalo nito kay Erich habang nasa backstage sila.

Matagal nang magkaibigan sina Erich at Enchong. At habang sinasabi iyon ni Vice, humihirit ang aktres na wala pang regalo ang actor. Ang hindi alam nito’y mayroong inihanda si Enchong na sinabing dahil kuripot siya, isang simpleng regalo lamang ang inihanda niya sa kaparehang aktres sa Blood Sisters na mapapanood na sa ABS-CBN 2 soon.

“Ito minsan lang naman,” ani Enchong. “Alam kong busy ka habang nagpo-promote ng ‘Siargao’, Happy New Year din, to start the year right.”

Tila hindi naman makapaniwala si Erich at sinabing, “Sino ka, asan si Enchong? ha ha ha.”

At nang buksan nito ang kahon, sobrang nagsisigaw na si Erich na tawang-tawa naman si Vice. Ang laman pala kasi ng kahon ay millipede na maging si Vice ay tila nandiri at nagtatakbo nang ilapit sa kanya iyon ni Enchong.

Nakatuwaan pa iyon ni Erich at inilapit kay Vice Ganda kaya naman takbo ng takbo ang komedyante. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..