Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Na-bash agad ang newcomer young actress/ model na si Trish Gaan ng Megamodels ni Meg Perez ng mga faney ni Kathryn Bernardo.

Sa na-upload na interview niya sa Roldan Castro Youtube Channel ay pinintasan siya dahil nag-comment siya kung ano ang nababalitaan niya na tunay na estado ni Kath sa INC.

“Mahirap pa nga po ‘yung puso ko ngayon,eh! Naapektuhan pa rin ako,” bulalas niya.

“Hindi ko po inaaway si Ate Kathryn. ‘Yun lang po ang pagkakaalam ko,” reaksyon pa niya.

Si Trish ay 16 -year- old mula sa Sta. Maria, Romblon. Nag-aaral siya ngayon ng Grade 11 sa New Era University.

Magsisimula na siya ngayong buwan na ito na mag-undergo ng personality development, dancing at voice lesson. Nag-pictorial na rin siya sa pamosong photographer na si Edward Dela Cuesta.

Willing din siyang mag-audition pag nabigyan ng pagkakataon sa pagbabalik ng artista search na “Starstuck’ ng GMA 7.

Favorite niya ay si Liza Soberano kesa kay Kathryn Bernardo na naging kapatid niya sa Iglesia.

“Okey naman siya pero mas gusto ko talaga si Liza,” sambit niya.

Ang showbiz crush niya ay si James Reid.

“Ang guwapo niya,” bulalas ni Trish.

Okey lang ba kahit may Nadine Lustre na siya?
“Ang sakit nga po,” pagbibiro niya sabay tawa.

“Wala na po ako talagang pag-asa dun dahil taken na siya.Hanggang paghanga na lang po talaga,” sey pa niya.

“Dream ko rin po na makatrabaho si James. Kahit magkasama lang sa picture, okey na po,” saad pa ng dalaga. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..