Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

sarah geronimo nadine lustre james reid concert

Kung ipinapareha si James Reid kay Sarah Geronimo, hindi papayag ang nobya ng singer/actor na si Nadine Lustre na hindi makasama sa isang performance ang pop star.

Kaya naman sa second major concert ni James na gaganapin sa Araneta Coliseum ay hindi magpapatalbog si Nadine sa kanyang dyowa.

Isang bonggang performance ang kanyang inihanda pero hindi si James ang makakabiritan niya kundi ang pop star na si Sarah.

Kasama si Sarah sa dalawang special guest ni James sa concert nitong ang titulo ay Revolution na ang may ideya ay ang nobya nitong si Nadine.

Excited na si Nadine sa duet number nila ni Sarah dahil ang favorite song niya mula noong bata pa siya ang kanilang kakantahin.

“Hindi ko muna sasa¬bihin (ang title ng kanta) pero bongga siya. ‘Yun po talaga ang type namin ni Ate Sarah kaya I’m really, really excited for that,”ani Nadine. (Edna Charum)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..