Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ibang klase talaga ang powers ng social media.

Kahit magkakahiwalay ng bakuran ay nagagawan ng paraan na maiugnay.

Katulad na lamang nina Luis Manzano at Maine Mendoza na magkahiwalay ng TV network.

Si Luis sa Kapamilya habang si Maine ay sa Kapuso dahil mainstay ito ng Eat Bulaga.

Pero dahil lamang sa isang reaksyon sa post sa isang show sa Kapamilya network sa social media ni Luis ay nagawan na ng paraan ng netizens na iugnay ang dalawa.

Kering-keri naman ni Luis ang mga katanungan sa social media kung saan ay sinagot nito ang tanong ng isang netizen sa posibilidad ng pagtatrabaho nito kasama si Maine.

Paliwanag ni Luis, malabo silang magkasama sa Maine sa pelikula o telebisyon pero sa endorsement ay posible.
Ang usapin ay nag-ugat sa naging reaksiyon ni Maine sa pinost ni Luis sa kanyang Instagram account.

Ipinost ni Luis ang video ng kuwento ni Ba¬yani Agbayani tungkol sa nanay niya na pinagbintangang aswang.
Sa video, makikita na sobrang seryoso si Bayani, na nu’ng kinumpronta niya tungkol sa kuwento kung aswang ba ito, kesyo niyakap lang daw siya nito.

Pero, kasunod noon ang punchline na lumipad na ito pagkatapos siyang yakapin.

Hagalpakan ang lahat sa studio ng I Can See Your Voice. At dahil naaliw si Maine sa video na pinost na ‘yon ni Luis, nag-comment ito ng “Para sa mga nalulungkot…” na ikinatuwa naman ni Luis, at ang naging tugon ay “Hahahahaha! Thank you.” (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..