Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sa altar na talaga hahantong ang relasyon ng Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ang impormasyong ito ay ibinahagi sa social media ng showbiz writer na si Lolit Solis.

Sa IG account ni Solis ay ikinwento nito ang nasagap na balita patungkol kina John Lloyd at Ellen.

Sinabi umano kay Lolit ng kanyang source na taga-Cebu na nag-i-inquire na sina Lloydie at Ellen ng caterer at florist para sa kanilang kasal na gagawin sa isang resort sa Cebu.
Magaganap umano ang kasalan sa huling linggo ng Enero o unang mga linggo ng Pebrero ngayong taon.
Ito ang impormasyon ni Lolit sa kanyang IG patungkol sa kasalang John Lloyd at Ellen.
“May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve A. dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well.” (Edna Charum)

May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke's at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve A. dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #pilipinostarngayon #pangmasa #instascoop

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..