Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Klinaro ni Diego Loyzaga sa presscon ng “Mama’s Girl” na aksidente lang ang pagkaka-post niya sa kanyang Instagram Account ng kanyang viral naked video. Hindi niya talaga sinadya yun.

“It’s not a pic. It’s a video,” paglilinaw niya na nasa IG stories niya na dinelete niya agad.

Part raw ‘yun ng trip niya sa Europe at tradisyon ng mga Swedish at Finnish ‘yun pag nagpupunta sa sauna.

Aminado siyang nagpaka-adventurous siya at laki naman siya sa Australia kaya hindi ito big deal sa kanya.

Naikuwento rin niya na nagawa niya ang isa sa bucket list niya na tumakbo nang hubo’t hubad sa gitna ng snow. Ang ina niya at “Hanggang Saan” star na si Teresa Loyzaga ang diumano ang cameraman niya.

Anyway sa January 17 na ang showing ng “Mama’s Girl” na handog ng Regal Entertainment ,Inc. Kasama sa movie sina Sylvia Sanchez, Sofia Andres, Jameson Blake, Yana Asistio,Heaven Peralejo,Karen Reyes,Arlene Muhlach, Allan Paule,Alora Sasam atbp. Ito ay sa direksyon ni Connie S.A. Macatuno. (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..