Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sinabihan pala ni Angeline Quinto si Coco Martin na sana ay kinuha siya para kumanta ng theme song ng “Ang Panday”.

“E, gusto niyang maging singer, siya na rin ang kumanta ng theme song ng sarili niyang pelikula.Niloloko ko nga eh, sabi ko ikaw , ang successful mo na sa pagiging artista, gusto mo na ring pasukin ang pagkanta, pati kami tataluhin mo,” kuwento ni Angeline na tumatawa.

Pero kanino ba siya mas nagkaroon ng ‘magic’ na pakiramdam? Kay Coco ba o kay Erik Santos?
“Oh my God!Ang hirap ng tanong.Puwede bang dalawa na lang sila?

“Pero ‘yung feelings siyempre,pareho sila,” pakli ni Angeline.

Pero dati, ‘yung kanta niya ay sinama pa ang pangalan ni Coco.

“’Yung dati? Siguro,” sabay tawa niya kaya nabitin ang sagot.

Paliwanag pa niya, mas matagal niya kasing nakilala si Coco kesa kay Erik.

“Mas nakilala ko agad si Coco kesa kay Erik. Love ko ang dalawang ‘yan,” sambit pa niya.

Bakit hanggang doon na lang ang status ni Erik?

“Hindi naman natin masisi kung hanggang doon na lang talaga. Katulad ng laging sinasabi ko, maayos kami ni Erik na magkaibigan.Kung anuman ang ibinibigay ng ibang tao na kahulugan sa pagiging close namin , siguro nakikita ng tao na hanggang doon lang ang maipapakita namin talaga at ‘yun lang ang totoo,” aniya.

Hindi na raw nanliligaw ngayon si Erik.

Hindi naman daw sila nagsasawa sa isa’t isa pero na-realize nila na mas click daw sila bilang magkaibigan at singing partner.

“Pero wala naman po mga basted-basted,” paglilinaw pa niya. (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..