Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagtapos na ang Globe Telecom TM Basketball Para Sa Bayan sa isa na namang successful year ng pagtulong sa mga mga local communities sa pamamagitan ng sports development para sa mga underprivileged kids and youth sa buong bansa.

Kamakailan lamang, ang TM Baskeball Para sa Bayan ay bumisita sa mga kabataan ng Talavera, Nueva Ecija at Porac, Pampanga noong December 10 kung saan nagsagawa ng free basketball clinics at 3-on-3 tournaments. Ang first three stops ay isinagawa sa Tondo, Dumaguete at Tuguegarao.

Si LA Tenorio, isa sa mga top athletes ng bansa at ang kanyang Method Basketball Academy ang nanguna sa pagtuturo sa mga aspiring basketball players ng mga fundamentals of the sport, tulad ng dribbling and shooting.

Ang 33-anyos na si Tenorio, na kilala sa kanyang big heart on the court, ang nagbigay ng inspirasyon sa mga bata na ituloy ang kanilang pangarap gaano man ito kahirap matupad. Sa pagtatapos ng sports clinics sa iba’t ibang probinsya, ang mga winning youth teams ay bumiyahe ng Maynila para mai-train ni Tenorio.

“It has been the company’s goal to reach out to local communities especially the youth through sports under TM Basketball Para sa Bayan. It was a very fruitful year in terms of helping underprivileged kids throughout the country and we would like to thank LA Tenorio and his Method Basketball Academy for spending his time and effort. He is truly a champion on and off the court,” pahayag ni Chelle Obligacion-Gray, Globe Director for Citizenship and Advocacy Marketing.

Sa pamamagitan ng basketball, hangad ng Globe na mai-promote ang healthy lifestyle, good values at makalikha ng equal opportunities para sa bawat Pinoy. Ang sports ay pinaniniwalaang isang effective tool para ma-develop ang values at mabigyan ang mga bata ng oportunidad na mag-aral.

Ang sports ay nagtuturo ng self-discipline, nagpapataas ng confidence at nagagawang ilayo ang mga bata sa drugs. Naniniwala sa adbokasiyang ito ang TM, ang number 1 prepaid brand of Globe, kaya naman binuo ang hashtag #LahatKasamaSaSaya. Ang 3-on-3 tournaments, ay may dalawang kategorya (youth and open). Ang mga kids and teens na may edad na 9 to 14 ay kasama sa youth habang nasa open division ang mga may edad na 15 to 21.

Ang mga provincial winners ng Globe Telecom’s TM Basketball Para sa Bayan na bumiyahe pa ng Maynila para sa championship games na pinangunahan ni PBA top player LA Tenorio.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..