Sunday 24th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May mga artista na grabeng tiliaan ng mga fans sa Christmas Special ng ABS -CBN 2 at meron ding hindi na sinisigawan.

Nagulat kami dahil dumagundong ang sigaw sa Araneta nang lumabas si Richard Gutierrez. Nakabalik na talaga ang aktor mula nang maging Kapamilya at regular na napapanood sa La Luna Sangre.

Halos mawasak naman ang Araneta sa lakas ng tiliaan nang lumabas na sina Jericho Rosales, Daniel Padilla at Piolo Pascual.

Pero ang pinakamalakas ang sigawan at nakakagulat ay kay Empoy habang kinakanta ang themesong ng “Kita Kita”. Marahil ay maraming fans ang natutuwa sa kanya. Nakuha niya lahat ang fans ng KathNiel, LizQuin,JadIne atbp.

Panoorin ngayong weekend , Dec. 16 at 17 ang Christmas Special sa ABS-CBN 2. (ROLDAN CASTRO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..