Thursday 18th January 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kaugnay ng ika-90 anniversary ng PRESTONE, na siyang nangunguna sa coolants, brake fluid at motor oils, naglunsad ito ng nationwide search para sa ANAK NG MEKANIKO SCHOLARSHIP PROGRAM.

Ang naturang nationwide search na tatagal hanggang February 15, 2018 ay naglalayong suportahan ang automative repair and maintenance services sector ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng college education sa mga deserving na anak ng mga local auto mechanics.

“PRESTONE® values the contribution made by auto mechanics to the brand’s success. After nearly a century of milestones, we hope that this program will add to PRESTONE®’s many firsts,” pahayag ni Paulo Lao, Sales and Marketing Director ng PRESTONE®.

“All of these will not be possible without the support of the loyal PRESTONE® users, especially the local auto mechanics, who journeyed with us in our feat to ensuring and maintaining safety and security for drivers and their vehicles,” dagdag pa ni Lao.

Mula noong 1927, ipinagpapatuloy ng PRESTONE® ang pag-i-improve ng mga produkto nito para sa safety and protection ng mga Filipino motorists.

Higit dito, nais ng PRESTONE na ibalik at ibahagi ang lahat ng mga biyaya para mag-improve din ang buhay ng mga anak ng mga mekaniko sa pamamagitan ng edukasyon.

“Filipinos consider education as a symbol of wealth that they can bequeath to their children. As such, we want to inspire and give hope to nine deserving ANAK NG MEKANIKO scholars, who will be chosen from across the country,” pahayag naman ni Monique Gonzales, Brand Manager ng PRESTONE®.

Ang ANAK NG MEKANIKO SCHOLARSHIP PROGRAM ay bukas sa lahat ng high school graduates, graduating senior high school students, passers ng Alternative Learning System (ALS) o Philippine Education Placement Test, at iba pang indibidwal na gustong makatapos sa kolehiyo.

Siyam na ANAK NG MEKANIKO Scholars ang pagkakalooban ng full scholarship sa anumang four-year course na kanilang mapili sa alinmang STI Colleges branch nationwide. Bukod sa tuition fees, bibigyan din ang mga scholaras ng stipends, at books and uniform allowances.

Tumatanggap na ngayon ang PRESTONE® ng entries para sa grant hanggang sa deadline nito sa February 15,2018, eksaktong 5 pm lamang.

Para sa iba pang kaalaman sa ANAK NG MEKANIKO SCHOLARSHIP PROGRAM, bisitahin ang prestone.com.ph o Prestone PH facebook page. Puwde ring kontakin si Dhen Veo sa (6) (32) 725 0237/09228599213 at [email protected]

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..