Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Blangko at kabado ang aktres na si Judy Ann Santos sa magiging pagtanggap ng publiko sa pelikulang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ na pinagbibidahan nila ni Angelica Panganiban.

Ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes,” ay opening salvo ng Star Cinema sa 2018 kaya mabigat ang papel nina Juday at Angge.
Ayon kay Judy, hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng mga tao sa kanilang pelikula.

“Pero confident ako na magiging maganda ang pelikula. Confident ako that it’s a very funny film. Ang gandang opening salvo nito para sa lahat na salubungin ang 2018 na masaya lang. Walang drama,” ayon pa kay Judy Ann.

Ang pelikulang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes” ang unang comedy project ni Juday sa mahabang panahon.

Ipapalabas ang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes sa Enero 2018. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..