Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang group picture ang ipinost ng aktres na si Kim Chiu sa kanyang Instagram account kung saan ay kasama niya ang mga ex-PBB housemate teen edition.

Kitang-kita sa photo ang kasiyahan ni Kim sa muling pakikipagkita sa mga ex-PBB housemates.

Ito ang madamdaming caption ni Kim sa kanyang post sa IG.

chinitaprincessafter 11 years here we are, reunited!!!💪🏻a lot has changed but still our fondness to each other remains the same! 😁 pbb teens 1 batch ‘06 represent!!!!❤️ miss you guys! we’re half complete 7/14 thank you @whiterosemaria for planning this for us! 😁 from dinner to usapang ice cream to unplanned road trip to pangasinan plus major bayambang field trip was extremely FUN!!! lakas maka teenager nung nangyari hahaha😅 even if we all have to work the next day still we didn’t mind as long as we’ll all have FUN!! #Yolo till our next roadtrip!!!?? haha😅

Kasama ni Kim sa nasabing group pic ay sina Jamilla Obispo, Olyn Membian, Nina Jose, Fred Payawan, Joaqui Mendoza at Mikki Arceo.

Marami ang naghahanap sa kasamahan din nila sa Bahay ni Kuya na si Gerald Anderson na second place sa 2006 PBB edition dahil sa hindi pagsipot sa bibihirang pagkakataong pagkikita-kita ng mga ex-PBB housemate.

Relate na relate ang ilang netizens sa nasabing post ni Kim na nagpapaalala umano ng kanilang kabataan dahil sa ginawang pagsubaybay sa PBB teen edition.

Narito ang ilang post ng netizens sa nasabing post ni Kim.

rnbbebemiapotWala sila @andersongeraldjr @aldredg Mikee Lee, Claire
decastrojudyannIto yong batch na sobrang Saya.. Daming masasayang alaala Mula sa Bahay ni Kuya .. Sana Next time kumpleto na kayo Batch 2006/ naalala ko tuloy yong LoveTriangle sa Bahay ni Kuya Mikee,[email protected]
rnbbebemiapotPati din pala si @mattevans_13 wala
merilynlegaspinoNa miss ko yung batch nila..sana next time kompleto na sila.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..