Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Teaser pa lang ng pelikulang Deadma Walking ay sobrang nakaka-aliw at riot talaga ito sa katatawanan, kaya sa loob ng tatlong araw ay nagkaroon na ito ng four million views mula nang i-post sa social media. Handog ng T-Rex Entertainment, ang pelikula ay isa sa walong entries sa forthcoming Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong December 25.

Tinatampukan ng mga talented na actor na sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman, ito ang directorial debut ni Direk Julius Alfonso, mula sa script ng Palanca awardee na si Eric Cabahug.

Sa aming panayam kay Direk Julius after ng guesting nila ni Eric last night sa Cinema One’s Inside The Cinema ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda, nalaman namin na hindi pala sina Joross at Edgar Allan ang unang ikinonsider para sa pangunahing role rito bilang sina John at Mark.

Esplika ni Direk Julius, “Hindi sila ang first choice, ang daming pinagdaanang kinonsiderang mga actors. Noong na-conceptualize ang kuwentong ito, una naming naisip sina Aga Muhlach as John and Roderick Paulate as Mark. Sila ang naging peg kumbaga.

“Then naisip din namin si Derek Ramsay as John as we went to scripting. Noong natapos na ang script, we strongly believed na puwedeng-puwede si John Lloyd (Cruz) for the role of John. We offered it to him, and he was very interested to do it. But his schedule was the problem.

“Then we suddenly saw the role of John na mabibigyan ng excitement at kakaibang atake ni Dingdong Dantes. So we offered it to him. Sobrang natuwa siya sa script at sa character. He was even willing to co-produce it. But then he has a very tight and busy sked kaya di rin natuloy.

“Ganoon pa man, sobra pa rin kaming nagpapasalamat kina Lloydie at Dong dahil magiliw nila kaming binigyan ng pagkakataong mai-pitch sa kanila ang proyekto at sa pagkagusto nila sa script at sa role na John. But as they say Joross and EA (Edgar Allan) were destined to be the John and Mark of Deadma Walking and so the rest is history.”

Inusisa rin ng Newsko si Direk Julis kung ano ang masasabi niya kina Edgar Allan at Joross bilang mga lead actors ng Deadma Walking?

Tugon niya, “Edgar Allan and Joross Gamboa are two of the most underrated young actors in the industry. Hindi man sila ang first choice sa roles na Mark at John, respectively, ay sila naman ang final choice. Hindi ko na ma-imagine pa ang pelikula kung hindi sila ang gumanap. Kumbaga, perfect na perfect sila, swak na swak.”

Kamusta ang chemistry nila? “Nakita ko ang offscreen chemistry nila noong pinagsama namin sila sa audition. Sabi ko sa sarili ko, ang daming mae- explore sa characters na John at Mark dahil sa perfect chemistry nila, mabibigyan ng magandang texture at layers ang mga nasabing characters. And true enough, they delivered brilliantly,” pahayag pa ni Direk Julius.

Paano niya ide-describe ang Deadma Walking? “Ang Deadma Walking ay isang friendship movie. Tungkol sa wagas na pagkakaibigan. Ito iyong klase ng pelikula na pagkatapos mong panoorin ay gusto mong yakapin ang best friend mo at sabihin mong “I love you” na punumpuno ng pagmamahal.”

Alhough ito ang unang full length film ni Direk Julius, matagal na siya sa movie industry.

Kuwento niya sa amin, “Dalawang dekada na po ako sa industriya. I’ve worked with Direk Joel Lamangan as script supervisor and eventually assistant director. Then, nag-assistant director din ako kina Chris Martinez, Marlon Rivera, Rahyan Carlos, Veronica Velasco, at marami pa pong iba.

“My biggest break before Deadma Walking was when I co-directed the Felix Manalo biopic. I am being managed by Viva Artists Agency and right now I am under contract sa Viva Films as a director. But they gave me their blessings para makagawa ako sa iba. At eto na nga ang Deadma Walking under TRex Entertainment ni Mr. Rex Tiri. Ang Deadma Walking ang una kong full length feature as a director.”

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..