Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Masaya ang newbie child actor na si Ralph Roxas sa nakamit na Independent Achievement Award ng kanilang pelikulang Sikreto Sa Dilim(Secret In The Dark) sa International Film Festival Manhattan 2017 na ginanap sa New York City, USA.

Pahayag ni Ralph, “Happy po ako na ang first movie ko ay nanalo na po ng award, napansin na agad po sa internatonal film festival. It’s an honor po para sa amin ang award na iyon.”

Nabanggit din ni Ralph na nag-enjoy siya sa una niyan pagsabak sa showbiz bilang actor. “Siyempre po ay mayroon din po akong kaba, dahil first time lang po akong mag-act, pero mayroon din pong halong excitement. Yes po, nag-enjoy po ako sa first experience ko sa acting,” nakangiting saad pa niya.

Si Ralph ay isang bubbly 12 year old na Grade-7 sa Ateneo De Manila University. Ayon sa kanya, hilig talaga niya ang pag-aartista kahit na noong mas bata pa siya.
“It’s my first role po, but I really like to act po. Siguro, around 6 or 7 po ako nang naisip ko na gusto kong mag artista.”

Bukod kay Ralph, tampok sa pelikula sina Akihiro Blanco, Dianne Medina, Lovely Rivero, Kikay Mikay, Ricardo Cepeda, at Mike Magat na siya ring director nito.

Ano ang role mo sa Sikreto Sa Dilim and tungkol saan ang pelikula?

“Bale, I’m the young Angelo po na paglaki ko po, magiging si kuya Akihiro Blanco. Iyong Sikreto Sa Dilim, It’s about domestic violence po and social awareness. Isa po siyang suspense-thriller movie.”

Nabanggit pa ni Ralph ang mga actor na gusto niyang sundan ang yapak, “I dream of becoming a good actor someday just like my idols Dingdong Dantes and Gerald Anderson, because I enjoy performing.”

Ang executive producers ng Sikreto Sa Dilim ay sina Mr. Ramon Roxas at maybahay niyang si Mrs. Myra Roxas. Sila mismo ang nagpunta sa New York upang tanggapin ang award ng kanilang pelikula, kasama sina Direk Mike at Ralph.

Si Mr. Ramon na isang successful businessman mula Pateros City, ay labis na natutuwa at proud sa kanilang movie, lalo’t ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa paggawa ng pelikula bilang executive producer.

“It gives me great happiness and inspiration that even though I’m just new in the industry as a producer, our film was recognized with this award in an international festival,” saad ni Mr. Roxas.

Mula sa RM8 Films Entertainment Productions at Sonza Entertainment Productions, abangan ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Sikreto Sa Dilim, very soon.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..