Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Swak sa buwan ng World Aids Day ang pelikulang “Magdaleno…Walang Pahinga” dahil isa itong advocacy movie na pino-promote ang HIV awareness.

“Nakakatakot dahil ayon sa news padagdag nang padagdag ang nagiging HIV positive. Dapat doble ingat at maging aware tayo kung paano protektahan ang mga sarili natin lalo na sa pakikipagtalik,” deklara ni Axel Cabides na introducing sa pelikula.

May premiere night ito sa December 8, Friday, 730 PM sa Cinema 4, Isetann Recto. Huhusgahan ang talent manager na si Sergio ‘Boy’

Pilapil na sumubok na ring magdirek ng pelikula. Ito ay prodyus ng Royal Bajandi Films.

Magkakaroon din ng sexy fashion show at bikini showdown ang buong cast na pangungunahan nina Mike Sarmiento, Winston De Dios, Chin Chin Corado,Nicole Lopez, Axel Cabides at ilang models bago magsimula ang premiere night.

Sugod na mga kafatid at saksihan ang kanilang pasabog!

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..