Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

PINAG-UUSAPAN ngayon ang ginawang pagsabit ni Maja Salvador sa helicopter para sa isang tagpo sa Wildflower na napapanood sa ABS-CBN.

Nag-viral ang video ni Maja dahil sa walang takot niyang pagsabit at pag-akyat sa helicopter ng naka-heels.

Ibinahagi ni Maja ang tagpong iyon sa kanyang Instagram account na animoý isang magaling na stuntman na walang takot na inakyat ang papaalis na helicopter.

Isa si Arjo Atayde sa bumati sa aktres at sinabing, “NIIICCCEEE.

Marami naman ang naloka sa tagpong iyon na talaga namang buwis buhay na maituturing.

Sa video, ilang minutong makikita ang pagsabit ni Maja sa helicopter na nagpapapadyak para tuluyang maakyat ang helicopter para habulin ang kalabang si Zsa Zsa Padilla o si Red Dragon.

🚁🚁🚁 #Wildflower

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

(Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..