Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Excited na si Ana Capri sa pagpunta sa Italy para sa shooting ng bago niyang pelikula na pinamagatang Almost A Love Story. Ang pelikula’y mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go at tatampukan ni Barbie Forteza. Ito ay mula sa panulat at pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

Bukod sa reunion movie ito ni Ana kina Barbie at Direk Louie na nagkasama sa award winning movie na Laut na mula rin sa movie company ni Ms. Go, excited na si Ana na magpunta sa Italy.

“Sobra ang saya ko sa movie’ng Almost A Love Story. Una, excited ako talaga sa project na ito kasi, its a reunion film with Barbie and Direk Louie. Alam mo naman Kuya na nanalo ng mga awards ang movie naming Laut. Na pati na ako, nanalo rin ng awards sa Laut.

“Kaya ako, I’m always happy working with Barbie and Direk Louie. Kumbaga, I consider itong group as a power team.

“Plus, isa pang rason kaya excited ako ay dahil I haven’t been to Italy, so yehey, papunta na kami sa Italy very soon!” Masayang esplika ni Ana.

Ano ang role mo rito sa movie?

Sagot ng aktres, “Ang role ko rito ay mother of the lead actor. Pero as of now, si Barbie pa lang ang sure, iyong magiging lead actor dito ay hindi pa napa-finalize. Sometime mid December ang alis namin bale.”

Ang balita namin, sina Derrick Monasterio at Ivan Dorschner ang pinagpipiliang maging leading man ni Barbie sa naturang pelikula.

Nagpasalamat din si Ana kina Ms. Baby at Dennis Evangelista na siyang executive producer ng BG Productions.

“Siyempre po thankful ako sa BG production’s mama boss, kay Boss Baby who is always supportive sa akin. Si Mama Baby Go has always been there for the industry, sa ating movie industry. I’m proud to be under her wing and I’m really proud that she’s becoming na pang-mainstream na talaga.

“Makikita naman natin iyan sa mga movie na ginagawa niya lately, lalo na iyong mga naka-line-up niyang movies,” nakangiting saad ng magaling na aktres.

Pahabol pa ni Ana, “Plus, nagpapasalamat din ako kay Mama Baby sa nakuha kong award last Saturday sa kanyang 2017 Diamond Golden Awards ng PC Goodheart Internationa Foundation sa Marco Polo Hotel.

“Isa pang pinasasalamatan ko at sobrang thankful din ako ay kay Mr. Dennis Evangelista for hand picking me for this project and for supporting me.” (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..