Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Balik-teleserye ang actor/politician na si Alfred Vargas sa pamamagitan ng drama series na Kambal Karibal ng GMA-7 na tinatampukan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ayon kay Alfred, ang naturang teleserye ang naging daan upang mas magpapayat din siya.

Esplika ng aktor, “Oo pumayat ako, kasi nakaka-miss din ang maging fit ka. Pero I’m still in the process to lose more pounds. Sana in due time ay maabot ko iyan.

“Natutuwa ako, kasi noong una kong nakita si Carmina Villaroel, noong nag-screen test kami sa Kambal Karibal… sabi ko, ‘Uy, parang bagay kami. Pero kailangan ko pa mag-lose ng kaunting weight.’ Kaya nang nakita ko noong screen test, bago kami mag-taping, sabi ko, ‘Sige, itutuloy ko na ito. Para mas maganda yung chemistry namin sa screen.’”

Ano ang ginagawa niya to lose more weight?

“A… Intermittent fasting, tapos sinasabayan ko ng something similar to ketogenic diet. Intermittent fasting… ibig sabihin nito in a day, sa loob ng 24 hours, eight hours ka lang puwede kumain. So my last meal is 8 pm, tapos yung next meal ko niyon, 12 noon na. Para 16 hours ka nagfa-fast, tapos eight hours akong nagfi-feed.

“Parang iyon yung science behind it. So for me, so far very effective siya,” nakangiting saad ni Alfred.

Ipinahayag din ni Alfred na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa teleserye.

“I enjoyed most, yung ano eh… kasi, ang tagal ko rin na hindi nag-taping.
So siguro, na-miss ko rin yung pag-taping mismo. Pagkatapos, na-miss ko yung craft. Aaralin mo yung role mo, pagkatapos gagawa kayo ng eksena ng mga kasamahan mo.

“Siguro just the simple craft of acting again na drama, kasi sa drama rin naman ako nanggaling before. I feel so refreshed, ganoon eh, kapag matagal mong hindi nagawa yung passion mo, parang hinahanap-hanap mo.

“Tapos ngayon ang feeling ko ay ang saya-saya ko, kasi nakaka-pag-act ulit ako.”

Kamustang katrabaho sina Miguel at Bianca?

Tugon niya, “Alam mo gustong-gusto ko silang dalawa, kasi… siguro kay Miguel, naaalala ko ang sarili ko noong baguhan pa lang ako, noong bata pa lang ako. Iyong dalawa, sina Miguel and Bianca are very very talented, napakabait, napaka-professional, ang gaan na kasama.

“Hindi pa kami nagkakaeksena, pero sa nakikita ko-kasi magkasama kami sa taping eh, napaka-professional nila and masasabi ko, malayong-malayo ang mararating nila,” nakangiting saad pa ng mambabatas mula sa Fifth District ng Quezon City.

Incidentally, ngayong araw (December 6) ang simula ng showing ng pelikulang pinagbibidahan ni Alfred titled Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa. Mula sa pagi­ging rated-X, sa ikalawang review ng pelikula ay naging PG-13 na ito kaya mapapanood na ng mas maraming estudyante.

Bukod kay Alfred tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cua­derno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Loren Burgos, Kiko Matos, Paul Sy, Garie Concepcion, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..