Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa si Sanya Lopez sa pambatong aktres ng Kapuso Network. Matapos mabigyan ng kanyang biggest role sa Siyete sa fantaseryeng Encantadia, ngayon naman ay napapanood siya sa drama series na Haplos kasama sina Rocco Nacino, Pancho Magno at Thea Tolentino, tuwing 4:15PM, pagkatapos ng Impostora.

Inusisa siya ng Newsko ukol sa kanilang TV series.

“Ang role ko sa Haplos, ako si Angela na anak dito nila Emilio Garcia and Patricia Javier. Habang lumalaki ako ay unti-unti kong nararamdaman na kaya kong magpagaling ng may sakit. Minana ko pala ‘yon sa lola ko, kay mommy Celia Rodriguez. Hanggang sa maging karibal ko rito si Lucille kay Rocco Nacino, na ginagampanan ni Thea.

“May powers din si Lucille, ito ay sa pangkukulam naman. Dito umikot ang istorya ng Haplos,” paliwanag ni Sanya.

Masasabi ba niyang ang magtatapos na taong 2017 ang biggest year niya as an actress?

Sagot ng aktres, “Yes, ito po ang biggest year for me. Ramdam ko na overflowing ang blessings. Kaya last August na nag-birthday ako, parang gift ko sarili ko yung Everest. Bukod pa sa mga project na ibinibigay sa akin ng GMA-7, after Encantadia.

“Isa pang malaking pangyayari sa career ko this year ang na-nominate po akong Best Actress sa Star Awards for TV. Ma-nominate lang at maihanay sa mga magagaling na actress natin ay sobrang happy na po ako and malaking blessing po talaga sa akin iyon. Plus, bukod sa na-nominate po akong Best Actress, kinuha rin ako para maging endorser ng Bench, Oppo, at Zanea Shoes. Kaya nakakataba talaga ng puso ang mga bagay na ito.”

Sa pagpasok ng 2018, ano pa ang wish mong mangyari sa iyong career?

Tugon ng aktres, “Simple lang po kasi ang gusto kong mangyari sa showbiz career ko, kaya masaya na ako sa lahat ng mga projects na naibibigay sa akin at sa nangyayari sa career ko ngayon. If ever na may wish ako talaga, iyong ma-maintain ko lang po na may mga regular projects ako sa GMA, kuntento na po ako roon at satisfied na ako.”

Gaano ka kasaya sa pag-aalaga sa iyo ng GMA-7?

“Sobra po, masayang-masaya ako sa ginagawang pag-alaga sa akin ng GMA-7. Lahat po ng mga nagyayari sa akin ngayon ay hindi ako talaga makapaniwala, parang nananaginip pa rin ako.

“Dati nag-audition lang po ako ng kahit ano’ng role sa Encantadia, pero yung role ni Danaya ang napunta sa akin. Tapos ngayon may TV series namang Haplos,” aniya.

“Kaya ang mga blessings na ito, utang na loob ko talaga sa GMA-7. Sobrang thankful ako sa kanila, sa pag-aalaga nila sa akin,” masayang saad pa ng magandang Kapuso aktres.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..