Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ipinahayag ni Ogie Diaz na bilib siya sa husay ni Erich Gonzales bilang aktres.

Magkasama sina Ogie at Erich sa forthcoming TV series ng ABS CBN titled Blood Sister.

Ito raw ang first daring at pinaka-daring na role ni Erich?

Sagot ni Ogie, “Oo, sobrang daring niya rito, pero siyempre ay pang-PG pa rin. Although dito nag-ano siya rito, nagsayaw-sayaw siya. Kasi ang role niya rito ay parang nagsasayaw-sayaw, parang agogo dancer…

“Ang kasama namin dito ay sina Enchong Dee, Ejay Falcon at isa pa, nakalimutan ko iyong isang lalaki kung sino, pero tatlo silang leadingmen ni Erich doon.

“Nagte-taping na kami ngayon, sa 2018 pa ito ipapalabas, hindi ko pa alam kung sa January.”

Nabanggit din ni Ogie na hanga siya sa galing dito ni Erich bilang aktres.

“Bukod sa daring si Erich dito, ibang Erich ito. Sabi ko nga sa kanya, ‘Day, hindi ko naman role iyan, role mo iyan-iyong tatlo ang character mo, pero ako ang napapagod sa role mo. Mabuti at kaya mo iyan na tatlo ang mukha mo, na iba-iba ang ugali.’

“Hindi kasi nila alam na magkakapatid sila, triplets sila. Kasi kapag ako ang kaharap niya, Bisaya siya. Mayroong isang salbahe at mayroon namang isang Erich na sosyal. Bale ako ang kumupkop sa kanya.

“Si Erich kasi ay first time naming magtrabaho at siya ang coach ko sa pagbi-Bisaya. Basta ang ganda nito, sobra,” mahabang esplika pa ng comedian/talent manager na si Ogie.

Nabanggit din niyang bukod sa TV ay kasali siya sa pelikulang Recipe for Love na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Wadell.

“Yes, kasali rin ako sa movie na Recipe for Love,” matipid na tugon ng manager ni Liza Soberano.

Ano ang role mo roon? “Bakla na naman,” casual na sagot pa ni Ogie.

Hindi ka ba nagsasawa sa role na bakla? “Siguro ay naniniwala lang sila na kaya ko iyong character. Ewan ko ba, bakit puro iyon ang role ko. Gusto kong gumanap na tomboy, pero wala namang offer, eh,” wika pa ni Ogie.

Samantala, ipinahayag din ni Ogie ang kagalakan sa mga bumibili ng kanyang librong Pak! Humor (Life is Short. ‘Wag Kang Nega) na available sa National Book Store. Perfect na gift suggestion ang naturang libro ni Ogie ngayong Pasko.

Tatlo ang beneficiary nito kabilang ang Philippine Foundation for Breast Care, Inc., Dugong Alay, Dugtong Buhay (DADB), at si Fatima Soriano.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..