Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

INIWAN at ipinagpalit man ng ex niyang si James, wala nang dahilan para maging malungkot pa si Donna Cariaga ng Baguio City matapos tanghalin bilang grand champion ng ikalawang season ng Funny One sa It’s Showtime.

Kilala ng mga manonood para sa kanyang hugot jokes, nagtagumpay si Donna sa grand finals ng Funny One noong Sabado (Dec 2) para sa kanyang winning performance na nagdesisyon siyang tuluyan nang kalimutan ang dating kasintahan, ang pangunahing karakter sa kanyang mga skit.

Nag-uwi si Donna ng P1-M at tinalo ang lima pang contenders, kabilang na ang first runner-up na si Anthony Andres at ang second runner-up na si James Caraan.

Ayon sa huradong si Randy Santiago, nakatutuwa ang pagiging consistent ni Donna mula pa sa simula ng kompetisyon at ang pakikipagbiruan niya sa audience. Pinuri rin si Donna ni Vice Ganda dahil sa napapanahon nitong materyal.

“Punompuno ka ng talento, at ang isa pang gift mo, punompuno ka ng charm. Sa comedy, napakahalaga na malaman mong ang materyal mo ay dapat napapanahon. Ang panahon ngayon at ang materyal mo ay magkaibigan–iisa lang. Ang materyal mo ay ngayon. Ikaw ay ngayon. Ito ang araw na para sa ‘yo,” komento ni Vice.

Panalo ang runners-up na sina Anthony at James ng P200,000 at P100,000, samantalang nagkamit naman ng P50,000 ang ibang grand finalists na sina Powder Boyz, D’ Kings, at Tres Palitos.

Bukod kina Randy at Vice, bahagi rin sina Bayani Agbayani, Rufa Mae Quinto, at MC at Lassy ng mga huradong pumili kay Donna bilang grand champion. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..