Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ipinahayag ng Kapamilya actor/dancer/TV host na si Nikko Natividad na sobra niyang ipinagpapasalamat ang mga dumarating na blessings sa kanya sa showbiz.

Sunod-sunod kasi ang projects ngayon sa talented na Hashtag member na si Nikko. Sa ngayon, bukod sa mga movie projects, tatlo ang TV show ni Nikko kabilang ang It’s Showtime, Umagang Kay Ganda, at ang Hanggang Saan na pinagbibidahan nina Ms. Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Aminado si Nikko na hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga blessings na ito, lalo na ang pagkakaroon ng teleserye.

Pahayag niya, “Sobrang nakaka-overwhelm po, first time ko kasing magkaroon ng teleserye. Kaya kumbaga, panibagong kaba po ito sa akin at kakaibang experience rin po sa akin ito.

“Sobrang dami pong pumapasok sa isip ko sa bagong break na ito, pero matagal ko na pong hinihintay talaga ito kaya sobrang thankful po talaga ako kay God sa pangyayaring ito.”

Mas kilala ka bilang komedyante o kengkoy kapag nakikita sa TV, kinabahan ka ba rito dahil drama series ito?

“Para sa akin ay masaya ako sa role ko rito at gusto ko yung character ko rito. Always naman po akong kinakabahan lalo na at hindi ko pa kilala ang mga ka-work ko from staff to artist. Kaya ang ginagawa ko, basta pinaghuhusayan ko na lang ang work ko po,” ani Nikko na gumaganap sa Hanggang Saan bilang bestfriend at kababata ni Arjo.

Naka-eksena mo na ba sina Arjo at Ms. Sylvia? Kamusta silang katrabaho?

Tugon niya, “Si Arjo pa lang po ang naka-eksena ko. Noong na-meet ko pa lang siya sa tent, sobra na akong nahihiya, nai-intimidate ako, kasi alam ko na magaling talagang actor si Arjo at pinapanood ko siya sa Ang Probinsyano. Kaya hindi ako makapaniwala na makaka-work ko siya at besfriend ko pa siya rito sa Hanggang Saan.”

Masasabi mo ba na itong 2017 ang pinaka-bless na year mo so far?

“Yes po, masasabi ko na sobra akong blessed this year. Matagal ko po itong hinihintay at ipinagdarasal. Kaya talagang kinakaya ko at tinitiis ang puyat at pagod sa araw araw. Sana next year ay ganito ulit,” nakangiting saad pa ni Nikko.

Ang Hanggang Saan ay tinatampukan din nina Ariel Rivera, Yves Flores, Maris Racal, Teresa Loyzaga, Marlo Mortel, at iba pa, sa direksyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..