Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi dapat masamain ng teen actor na si Joshua Garcia ang pahayag ni Direk Cathy Garcia-Molina na hinding-hindi magiging katulad ni John Lloyd Cruz si Joshua.

Ang reaksyon ay ginawa ng mahusay na director dahil sa komento ng marami na susunod sa yapak ni John Lloyd si Joshua sa husay sa pag-arte.

Pero paglilinaw ni Direk Cathy sa bloggers’ conference na kahit anong husay sa pag-arte si Joshua ay hinding-hindi niya makakagaya si John Lloyd.

“Hindi kasi ako naniniwala ‘dun eh, ‘yung mga ‘next next’ kasi iba si John Lloyd. Incomparable (siya) as much as Joshua is incomparable. He has his own strengths. Joshua will make it on his own,”eksplanasyon ni Direk Cathy.

Sina Direk Cathy at Joshua ay unang nagkatrabaho sa ‘Unexpectedly Yours’ habang si John Lloyd ay maraming beses nang nakasama sa trabaho ni Direk. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..