Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nakatikim kay Ms. Sunshine Cruz ang isang pasaway na basher nang soplahin siya ng Kapamilya aktres sa social media.

Sa FB account ni Sunshine ay nag-post siya ng ganito kasabay ng pag-screen capture sa post ng isang netizen na may malisyosong sinasabi ukol sa aktres.

Sometimes we need to set the record straight. Amoy na amoy ko kung sino si Ricardo Lorea. The least you can do is find it in your heart to forgive yourself for what you’ve been doing to me and my children. Leave us in peace. Dugo nyo pa din ang mga anak ko. Ako ang bukod tanging nag aaruga at kumakayod to be able to provide properly for them. Please let me be and stop this “nagpakabayani sya para sa akin” story.

Ang netizen na nagngangalang Ricardo Lorea ay nag-comment sa isang artikulo sa ABS CBN News FB page ukol sa panayam kay Ms. Sunshine sa ANC’s Headstart kamakailan. May kinalaman ito sa kinasapitan ng relasyon nila ni Cesar Montano. Dito’y sinabi ni Ms. Shine na ginawa niya ang lahat para sagipin ang kanilang kasal ni Cesar.

Ganito ang comment ni Ricardo Lorea:
But sunshine should still be thankful to cesar for bailing her out. Before their marriage cesar paid millions to a movie producer to stop the film from being shown to the public. Allegedly, there was a BJ session in it.

Hindi naman ito pinalampas ng aktres na napapanood sa top rating TV series na Wilflower. Sinagot ni Ms. Shine si Lorea at sinabihan ito na tsismoso at uto-uto. Nilinaw din ng aktres na hindi totoong binili ni Cesar ang pelikulang Dukot Queen na ginawa rati ni Sunshine ngunit hindi niya tinapos dahil sa sobrang sexy requirements ng naturang pelikula.

Narito ang sagot ng aktres kay Lorea:
Kuya Ricardo Lorea, I don’t usually reply to silly comments pero nakakagulat ang iyong pagiging chismoso at pagiging uto-uto mo sa mga haka-hakang iyong naririnig sa mga taong pinagmumukhang bayani ang ex ko. Lalake ka ba o sadyang mapagawa ng kwento? To set this straight, Dukot Queen is an unfinished movie directed by Tikoy Aguiluz. It was never bought by my ex husband, it was a supposed sexy movie that I did not finish because my parents couldn’t anymore accept the fact that I am doing sexy/bold films back then. Sa kasamaang palad unedited love scenes were stolen sa Viva films and spread as pirated dvds. My ex knew about that movie even before we got married. I met him the moment I decided to join the sexy bandwagon. I hope this clears everything. Hindi ko po sya kailangan pasalamatan. Sya po ay dapat hiwalayan sa rason na ako at ang mga anak ko ang nakakaalam.

Sa aming panayam kay Ms. Shine, inusisa namin siya kung sino sa palagay niya ang nangba-bash sa kanya na nangngangalang Ricardo Lorea dahil mukhang kilala niya ito?

Sa kanyang sagot sa amin ay muling iginiit ng magandang aktres na hindi totoong binili ni Cesar ang pelikulang Dukot Queen, “Hi Kuya, fake account iyan obviously. Sila naman kasi ang nagpakalat noon pa na binili ni ex ang Dukot Queen and they want people to believe porn yung ginawa ko.

“Its been an open chapter for years po and once and for all I need to set the record straight. It is a movie that I did not finish because I can no longer do sexy/bold films because hindi na kinakaya ng magulang ko.

“Pero hindi po iyan porn at lalong hindi po iyan binili ni ex to stop the release daw.” (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..