Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Pumalo na sa mahigit P12,587,981 ang nalikom ng actor na si Robin Padilla mula sa mga kasamahan sa Kapamilya network sa executives para sa kanyang inilunsad na fund raising tungo sa pagbangon ng mga taga-Marawi City.

Dahil sa dami ng biyayang natatanggap ay hindi matapos ang pasasalamat ni Robin sa kanyang Instagram account sa ibinigay na suporta ng mga kasamahan sa Kapamilya network.

Pinoste ni Robin ang larawan ni Piolo na kasama ang isang kapatid na Muslim, at Entertainment head ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes, pati na si Direk Joyce Bernal, at ang handwritten breakdown ng computation ng halagang nalikom niya mula sa mga nabanggit.

May ganitong caption ang nasabing post ni Robin: Sa ngalan ng nag-iisang Dios at mapagpala at ang mahabagin. Purihin ang Panginoong Maylikha sa kanyang biyaya ng Awa para sa mga taga-Marawi.”

“10 million mula sa kumpanya, 1 milyon mula kay Mr. Gabby Lopez 1.128m mula sa mga executives at 400k mula sa mga artist.
“Ang total pledges collected ay 12,587.981 mula rito ay ibinigay ng pamunuan ng ABSCBN Foundation ang 25% 3,146,995.75 sa TINDIG MARAWI ALLAH HU AKBAR.
“Mula sa kailaliman ng aking puso at kapatiran ng mga Muslim kami ay nagpapasalamat sa inyo ABSCBN. Kami ay nagpapasalamat din sa @vidanes_c, sa pamumuno ni Ginang Elizabeth Al¬viar sa kanilang donasyon na 51K na dapat ay budget nila sa kanilang Christmas party, isang malalim na pagpupugay sa inyo.”
Sinamantala rin ni Robin ang pagkakataon para pasalamatna ang dating asawang si Liezel Sicangco, at mga anak na sina Queenie at Kylie, sa kanilang ibinigay na  donasyon.
“Kami’y nagpapasa¬lamat din kay Kapatid na Binibining Liezel Sycangco @queeniepadillarevert at sa buong kapatiran ng Goldcoast Australia Mosque sa kanilang 39k na donasyon at sa kanilang intensyon na maipadala ang container na ito in shaa allah. (Edna Charum)

Sa ngalan ng nagiisang Dios ang mapagpala at ang mahabagin. Purihin ang Panginoong Maylikha sa kanyang biyaya ng Awa para sa mga taga Marawi. Mula sa pangunguna ni Ginoong Piolo Pascual @piolo_pascual at Binibining Joyce Bernal @direkbinibini ay nabuo ang isang kilusan kasama ang ABS CBN foundation sa tulong ng Kanilang programa na ASAP sa pangunguna ni Ginang Cory Vidanes ay nakalikom ng malaking halaga mula mismo sa Apat na poste ng ABSCBN.. 10 milyon mula sa kumpanya 1 milyon mula kay Mr Gabby Lopez 1.128m mula sa mga executive at 400k mula sa mga artist. Ang total pledges collected ay 12,587,981 mula rito ay ibinigay ng pamunuan ng abscbn foundation ang 25% 3,146,995.75 sa TINDIG MARAWI ALLAH HU AKBAR. Mula sa kailaliman ng aking puso at kapatiran ng mga muslim kamiy nagpapasalamat sa inyo ABSCBN… kamiy nagpapasalamat din sa @vidanes_cm sa pamumuno ni Ginang Elizabeth Alviar sa kanilang donasyon na 51K na dapat ay budget nila sa kanilang Christmas party Isang malalim na pagpupugay sa inyo. Kamiy nagpapasalamat din kay Kapatid na Binibining Leizel Sicangco @queeniepadillarevert at sa buong kapatiran ng Goldcoast Australia Mosque sa kanilang 39K na donasyon at sa kanilang intensyon na maipadala ang container na ito in shaa Allah. Maraming maraming salamat sa inyong lahat na may puso sa pananampalataya ano man ang ating Religion. Sumainyo ang pagpapala at awa lalo ang kapayapaan ng Nagiisang Dios Ameen

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..