Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Na-miss ng mga fans si Jennylyn Mercado sa TV kaya talagang nakaabang sila kung kailan siya mapapanood muli. At nang siya ang bumida sa episode ng Stories for the Soul last week, talagang inabangan at tinutukan nila ito!

Hindi mabibitin ang kanyang fans dahil ngayong Sabado (December 2) ay makikigulo naman siya sa Sarap Diva. Makikipagkulitan ang Ultimate Star kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at kina Donita Nose at Ate Velma. Maghahanda siya ng putahe niyang “Mechado ni Jennylyn Mercado” kaya abangan ang kanyang specialty!

Ayon kay Jennylyn, wala pa siyang bagong serye sa GMA 7. Baka raw next year na.

Tinanong din namin kung willing na ba siyang maka-partner si Alden Richards dahil naudlot ‘yung pinagsamahan nilang “ My Love From The Star”.

“Bakit hindi?!Ako naman, wala namang isyu sa akin,eh. Kung ano ang ibigay ng management, ng GMA, eh tatanggapin ko. Never naman akong namili o tumanggi. Kung ano ‘yun, tatanggapin ko, trabaho ‘yun e, blessings,” pakli niya nang makatsikahan namin sa presscon ng kanyang MMFF2017 official entry na “All Of You” with Derek Ramsay.

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..