Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

MULING nabigo ang GMA 7 na talunin ang teleseryeng katapat ng kanilang show.

Sa pilot episode ng Kambal Karibal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara, hindi sila nakalusot na panoorin ng madlang pipol.

Sa November 27-28, 2017 ratings mula saUrban at Rural na ginawa ng Kantar Media, nanguna pa rin ang La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. May national TV rating ang LLS na 31.4% samantalang ang Kambal Karibalay mayroon lamang 15.6%. Halos kalahating agwat ang layo ng LLS sa KK.

Hindi rin kaya ng latigo ni Super Ma’am na hagupitin ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil nangunguna pa rin ito sa national TV ratings na may 40.7% noong Martes (Nov 28), samantalang si Super Ma’amaymayroon lamang 18.9%.

Namuno rin sa kanyang timeslot ang ABS-CBN’s live coverage ng Miss Universe 2017 na nakakuha ng 23.9% rating.

At siyempre, hindi rin nagpapakabog ang The Good Son na may 19.9% kompara sa katapat na My Korean Jagiya na mayroon lamang 11.2%. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..