Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Super trending ang blog post ng phenomenal star na si Maine Mendoza kung saan ay naglabas siya ng hinaing, at nagsabing hindi na siya masaya sa kanyang sitwasyon sa showbiz.

Kaya nagdesisyon si Maine na palayain ang sarili, dedmahin ang iba at sundin ang idinidikta ng kanyang puso.

“Dumating yung araw na naramdaman ko na para bang hindi na ako masaya. Na kahit sandamakmak ang biyaya ang natatanggap ko, nawala na yung ligaya sa puso ko. Hindi ko na makita yung tuwa sa mga ngiti ko at kinang sa mga mata ko. “Hanggang sa napagtanto ko na iyon pala ay dahil ilang mga tao ang nakapaligid sa akin. Yung mga taong akala ko ay tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Mahirap, nahihirapan akong dinidiktahan ng mga dapat kong gawin at maramdaman.

“Napagtanto ko na nakokompromiso na yung kalayaan at kaligayahan ko. At hindi ko kayang mamuhay ng ganon. I want to be able to do what I want and what makes me happy because I believe that is how life should be.“I do not want to compromise my own happiness for other people’s desire. So this time, I am choosing myself.

Ako naman,” bahagi ng blog post ni Maine.(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..