Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Disyembre na naman at ito ang buwan kung saan ay taun-taong ipinagdiriwang ang Inding Indie FIlm Festival: GABI NG PARANGAL na gaganapin sa ika-apat ng Disyembre sa National Press Club of the Philippines.

Kumpara noong isang taon, mas dumami ang mga kalahok sa Inding Indie film festival mula sa mga estudyanteng sumali at mga baguhang direktor ng pinilakang tabing.

Ilan sa mga lumahok na nakapasok sa pambansang kompetisyon ay Maranhig, Lana at Lubong Pelikula ni Marvin Gabas, Gising ni Peter Polillio, Ama Ina Kapatid pelikula ni Onie Luna, Cincowentro Pelikula nila Romm Burlat at Marvin Gabas, Agaw Pansin Pelikula ni Romm Burlat, Panata ni Mark Anthony Balisi, Puchang Pag-ibig ‘to ni Raph Decena, An Angel’s Cry ni John Ray Garcia, Noong Araw nang Maniwala si Abel sa Impyerno ni John Ray Garcia, No Talk Ako ni Joshua Asuncion, Obligasyon ni Benny Andaya at Temporary Title ni Joshua Asuncion at Init ni Rian Simon Magtaan.

Ang bawat kalahok na pumasok ngayong taon ay sumalang sa mga pambihirang delegado ng iba’t ibang pribadong paaralan partikular ang mga opisyal ng Inding Indie Film Festival.

Inaasahan na magsasalpukan din ang mga bigating istasyon sa telebisyon sa larangan ng pagbabalita at dokumentaryo. Noong nakaraang taon ay tumabo sa mga parangal ang GMA – 7 Kapuso Network at pumangalawa naman ang TV5 Kapatid Network sa media category. Nagulat din ang marami nang maging nominado sila Gloria Romero, Ma. Isabel Lopez, Pilar Pilapil, Lou Velloso, Gabbi Garcia, Susan Africa, at marami pang bituin.

Samantala, hindi rin magpapahuli ang mga special feature film katulad ng Moonlight Flowers na nilibot na lahat ng TV station para lang ma-ipakilala sa publiko ang kanilang indie film, pinagbibidahan ito nila Rhea Usares, Eun Jin Kim at Jayzelle Estrada na nakatakdang tumanggap din ng parangal kasabay ng mga naglalakihag bituin. Kabilang sa mga kasali sa special feature ay ang pelikulang Ano Ang Tunay na Kahulugan ng Pag-ibig ni Ryan Manuel Favis na ngayon ay executive producer at CEO ng Inding Indie Film Festival, kasama ang mga artista nito na sina Jeffer Kim, Shaine Bulante, Anndrine Agbin, Frances Gloriani, Trixie Valdez at Pati na rin ang magkapatid na sina Say Hambali at Kassandra Hambali, at bagong pelikula na Kapirasong Daigdig na pinagbibidahan ni Beatrice Gupita na idinirek din ni Ryan Manuel Favis at isinulat ng batikang direktor na si Ron Sapinoso.

Isang malaking tagumpay din para sa mga bumubuo ng Inding Indie film festival na maging katuwang nito bilang marketing arm ang M-plify na pinamumunuan ng magaling at mapagkumbabang si Migs Dela Rosa. Bawat event umano ni Migs Dela Rosa ay maganda ang nagiging resulta kaya naman lalong mas matindi ang pag-asa na umunlad ang sining at pelikula sa Inding indie Film Festival dahil sa kanyang pakikiisa sa adbokasiya nito. Bukod sa kanya, apat na taon na rin na sumusuporta ang tiyahin ni Ryan Manuel Favis na si Lolly Acosta na tumatayong Corporate Communication nito at naging daan upang maging opisyal na katuwang sa midya ang radyo na DWIZ.

Bukod dito, hindi mapigil ang mga pribadong paaralan na sumuporta sa Inding Indie Film Festival at mga pribadong kompanya katulad ng Diliman College, Monterey School Inc from Talisay Cebu, Christian Family Centre of Quezon City, Diliman Preparatory, Youngrock School of Cabuyao Laguna at ITG Travel & Tours, Mogu-Mogu, Sogo Hotel, Chicharon ni Juan, 100PLUS, Sunburts, Phap – Philippine Pharmaceutical Association of the Philippines, MODA – movements of Designers and Artists, Bioessence, Dermcare, Nature Spring, Creatrixph Travel and Tours at Spark and Wrench Catering Services, Katooga.Ph, Rufos and Yanyan International Philippines, Inc., Blackwater, Rock my Party events and Rhicons Evenets Management at siyempre ang Cons Escapes Travel and Tours.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..