Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Dahil sa holiday rush, halos wala nang panahon ang mga pamilyang Pinoy para ma-enjoy nang husto ang spirit of the season.

Ito’y dahil sa kaliwa’t kanang reunion at mga parties ng mga pamilya, extended families, mga kasama sa trabaho at mga kaibigan.

Kaya naman wala nang oras na natira para sa magkaroon ng memorable bonding ang pamilya.

Dahil dito, ang Globe LIVE at 9Works Theatricals ay muling maghahandog ng A Christmas Carol, na may snowfall at Scrooge dramatic transformation ng isang penny-pincher tungo sa isang philanthropist na nagbibigay ng highly-entertaining backdrop para sa isang bagong family tradition ngayong kapaskuhan.

Ang timeless tale na ito ni Charles Dickens ay isang big hit noong nakaraang Pasko kung saan 3,000 ang nanood noong Christmas day. Pero hindi lamang ito ang dahilan kaya muling ipapalabas ang Ahren and Menken musical.

Sinabi ni Joe Caliro, Executive Producer and Globe Head for Creative Marketing and Multi-Media Services, na nasa plano na nila ang restaging nito mula pa nang umpisa. “We decided that we wanted to make what is for me the best Christmas property in the world and turn it into a new tradition for the Filipino families.”

Ayon kina Caliro at Robbie Guevarra, 9Works director ng A Christmas Carol, ang restaging ay magbibigay ng bagong karanasan na may fresh set design ni Ed Lacson Jr., new direction, at new choreography. Halos kalahati ng cast ay bago rin kasama na si Franco Laurel bilang Ghost of Christmas Past, para suportahan ang theater veteran na si Miguel Faustman bilang Ebenezer Scrooge. Ang Tiny Tim ay gagampanan naman nina Jaime Yupangco at Elai Estrella.

Kasama rin sa bagong maasahan ay ang oportunidad na i-share ang Christmas spirit sa mga scholars ng the Hero Foundation. Magtatayo ng Christmas tree sa Globe ICONIC Theater, at ang mga tao ay puwedeng bumili ng mga ornaments at isabit ito. Ang lahat ng kikitain ay ibibigay sa Hero Foundation scholarships para sa mga batang naulila ng mga sundalo.

Ang re-staging ng A Christmas Carol ay kaugnay na rin ng Globe advocacy na mabigyan ang mga kostumers ng bagong online and offline experiences para lalong ma-enjoy ang buhay.

“We have been disrupting certain spaces, and now we are disrupting theater by producing a play that will run in December instead of November as what everybody is used to. We want to offer a Christmas activity that can be enjoyed by the Filipino family that is looking to create its new traditions,” pahayag ni Caliro.

Ang Globe LIVE and 9Works Theatricals staging ng A Christmas Carol ay mapapanood mula December 4 to 10, December 14 to 17, at December 21, 22, and 24 to 27 sa Globe ICONIC Theater sa Bonifacio Global City. Para sa iba pang impormasyon, tickets, at show schedules, bisitahin lamang Ticketworld.

Si Franco Laurel na gaganap bilang The Ghost of Christmas Past.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..