Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Totoo palang nag-date sina Maine Mendoza at Jake Ejercito sa Revel Bar after ng Timeless event.

Ang paliwanag ni Jake ay nagkayayaan lang at grupo sila.

Kalat na pala sa AlDub fans ito at intindihin na lang daw si Maine.

Pero, may mga pumapalag na bakit pag si Maine ay merong justification agad pero pag si Alden ang may madikit na iba ay todo bash na?

Anyway, hitsurang world war 3 dahil nagkagulo na sa Twitter World. Pati ang anak ni Jake kay Andi Eigenmann ay dinadamay sa pagdi-date nina Maine at Jake .

May open letter na rin si Maine sa kanyang blog na nagsasabing friends lang sila ni Alden at ayaw na rin niyang magpadikta at parang de-kahon ang buhay niya.

May post din ang pekeng account ng kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito na kung saan ay nag-tweet ng against kay Alden at ipinatanggol ang pamangkin.

Bahagi ng Tweet: “Spare my niece from all of this. So, what if Maine and Jake are together. Maine is beautiful inside and out. She’s not malandi o flirt”.

Sinundan pa niya ito ng tweet na paninira kay Alden.

Agad naman na itinanggi ni Jerika ang pekeng account na ‘yun.

“I saw it. Of course not. I reported it as spam.

“I’ve never even met Maine”.

“Malay ko ba if “she’s beautiful inside out” Feeling close?”

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..