Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sa pamamagitan ng Globe, ang number 1 mobile brand at preferred digital brand ng mga Pinoy, maaari nyo nang mapanood ang sikat na singer na si Harry Styles na magko-concert dito sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ang concert ni Styles ay naka-schedule sa June ng susunod na taon kaya agad namang naglunsad ang Globe ng exclusive ticket pre-sale sa mga customers nito para makapag-reserve at makabili ng tickets. Gaya ng inaasahan, sold out ang mga tickets sa loob lamang ng 52 seconds. Pero wait there’s more, nagbigay din ang Globe ng chance sa mga kostumer nito na manalo ng concert ticket sa pamamagitan ng inilunsad nilang #GlobeHarryStyles Promo!

Sa pamamagitan ng naturang promo, lahat ng TM, Postpaid, Platinum, at Globe At Home customers ay eligible na sumali kung naka-register sila sa anumang GoSURF or All Month Surf variant o may Globe At Home plan mula October 20 hanggang December 6, 2017. Bawat P5 sa prepaid offer or plan na ini-avail ay may katapat na isang raffle entry.

Para makasali, ang Prepaid and TM customers ay kailangang mag-send ng RAFFLE REG (Name)/(Address)/(Email address)/(Age)/(Gender) sa 2362, habang ang Postpaid and Platinum customers ay dapat mag-send ng RAFFLE REG YES sa 2362. Awtomatiko namang naka-register sa raffle lahat ng Globe at Home customers.

Sa December 7, magbibigay ang Globe pair of tickets sa tatlong Platinum winners, 3 Gold winners, 3 Lower Box A winners, at 3 Lower Box B winners.

Lahat ng winners ay padadalhan ng notice sa pamamagitan ng text at ia-announce sa Globe website, Facebook at Twitter accounts.

Si Harry Styles ay naglabas ng album noong May at nag-debut ito bilang number 1 sa US Billboard 200 partikular ang lead single nito na “Sign of the Times” na ang video ay nakakuha na ng mahigit 171 million views sa YouTube.

Ang Harry Styles: Live on Tour ay produced ng Live Nation at pino-promote ng MMI Live. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang website na http://go.globe.com.ph/GlobeHarryStyles, o tumawag sa Globe hotline 730-1010, o bumisita sa alinmang Globe Store.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..